Mayorya ng mga residente sa Marawi City ang bumoto pabor sa paglikha ng tatlo pang barangay sa lungsod noong Sabado.
Ayon sa COMELEC, 2,123 mula sa 2,265 registered voters mula sa mga barangay ng Dulay, Kilala, at Patan, ang lumahok sa plebisito.
Batay sa resulta ng botohan, 2,121 voters o 93.73 percent ang pabor na lumikha ng mga bagong barangay na kabibilangan ng Sultan Corobong, Sultan Panoroganan, at Angoyao, habang dalawa lamang ang bumoto ng “no.”
Inihayag din ng COMELEC na matagumpay, mapayapa, at maayos ang idinaos na plebisito.