dzme1530.ph

Paglalatag ng mga regulasyon sa paggamit ng mga bata ng social media, isinusulong sa Senado

Loading

NAGHAIN ng panukalang batas si Senador Robin Padilla na nagsusulong ng regulasyon sa paggamit ng social media ng mga bata.

 

Ayon kay Padilla, layun ng kanyang Senate Bill 2989 o ang proposed Children’s Safety in Social Media Act na mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng responsableng digital use.

 

Sa kanyang explanatory note, sinabi ni Padilla na lumilitaw sa mga obserbasyon na nasa average na 15 minuto ang ginugugol ng mga bata sa paggamit ng mobile phones para sa entertainment purposes tulad ng panonood ng video, paglalaro o pakikisalamuha sa social media.

 

Batay anya sa report ng Foundation for Media Alternatives na ang social media na ang pinagkakaabalahan ng mga Filipino online users sa paggamit ng internet at lumilitaw na ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng gumagamit ng social networking sa mmga internet users.

 

Naapektuhan anya nito ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao.

 

Iginiit pa nii Padilla na ang mga bata bilang nasa developmental stages ng kanilang buhay ay nangangailangan ng proteksyon laban sa hindi magandang epekto ng paggamit ng social media.

 

Sa ilalim ng panukala, ang social media platforms na natukoy ng Department of Information and Communications Technology na accessible sa bansa at madalas ginagamit ng mga bata ay dapat dumaan sa  verification protocols.

 

Ang child account holders naman ay dapat sumailalim sa parental consent verification.

 

Sa kabila naman ng pangangailangang magkakaroon din ng limitasyon  at pagbabawal sa paggamit ng social media, dapat pa ring payagan ang mga bata na makipag-ugnayan sa social media.

About The Author