Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang plano na maglagay ng tunnel mula sa Commonwealth diretso sa East Avenue o Quezon Avenue, na padadaanin sa ilalim ng Elliptical Circle.
Ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes, isa ang naturang plano sa inaaral nilang solusyon sa lumalalang trapiko sa Commonwealth Avenue, kung saan 18,000 sasakyan ang dumadaan araw-araw tuwing peak hours sa umaga.
Aniya, sa naturang bilang, 10,000 sasakyan ang patungong Quezon Ave. habang 8,000 ang papuntang East Ave.
Samantala, ikinu-konsidera rin ng MMDA ang pagpapatupad ng Bus Carousel System sa kahabaan ng Commonwealth Ave., kagaya ng umiiral sa EDSA.
Kabilang sa nagpapalala umano sa pabigat ng pabigat na trapiko sa Commonwealth ay ang ongoing delays sa konstruksyon ng MRT-7. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera