dzme1530.ph

PAGLALABAS NG WARRANT OF ARREST, MAKAKATULONG SA PAGHAHANAP KAY DATING CONG. ZALDY CO

Loading

KUMPIYANSA si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na makakatulong sa paghahanap kay dating Cong. Zaldy Co kung makapagpalabas ng warrant of arrest ang Senado sa kasong contempt.

Nilinaw naman ni Lacson na kailangan pa nilang talakayin sa kumite kung tuluyan nang ipapa-contempt ang mga inisyuhan ng show cause order makaraang hindi sumipot sa nakalipas na pagdinig kabilang si Co.

Kinumpirmma naman ni Lacson na ipapaikot na ngayomg araw o bukas sa mga miyembro ng kumite para palagdaan  ang  partial committee report ukol sa  inimbestigahan na mga katiwalian sa flood control projects

Sinabi ni Lacson na kapag nakakuha na ng kinakailangang lagda, irereport na niya sa plenaryo ngayong linggong ang laman ng partial  report.

Kahit pa anya ongoing ang pagtalakay sa plenaryo sa report kung saan posibleng mayroon pang magpasok ng amendment, maaari nilang isabay ang pagdaraos ng isa o dalawa pang panghuling hearing sa  naturang  isyu.

About The Author