![]()
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagre-release ng P145.56 billion para sa Central Mindanao High Standard Highway Project.
Layunin ng hakbang na mapabilis ang infrastructure development at mapalakas ang economic activity sa rehiyon.
Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng forward obligation authority (FOA) upang matiyak ang uninterrupted funding para sa proyekto mula 2026 hanggang 2034 at mapigilan ang delays sa implementasyon.
Sa pamamagitan ng proyekto, mapabibilis ang paglalakbay sa pagitan ng Cagayan de Oro at Malaybalay sa tatlo at kalahating oras mula sa anim at kalahating oras.
Ang proyekto ay popondohan ng loans mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) at ng Asian Development Bank, kasama ang government counterpart funding.
