dzme1530.ph

Paglalaan ng ₱74.4B subsidy sa PhilHealth, iginiit

Loading

Umapela si Sen. JV Ejercito sa kanyang mga kasamahan sa Senado na agad nang ipasa ang Senate Bill No. 1, na layong maglaan ng karagdagang ₱74.4 bilyong subsidy para sa PhilHealth.

Binigyang-diin ni Ejercito ang kahalagahan ng agarang pagpapatupad ng Universal Health Care Law, na nakadepende sa sapat at napapanahong pondo mula sa pamahalaan.

Ayon sa senador, dapat nang totohanin ang sinasabing “importansya” ng batas sa mga talumpati, dahil ang kulang na lamang ay agresibong implementasyon at sapat na pondo.

Si Ejercito rin ang may-akda at sponsor ng naturang batas, at binigyang-diin niyang ang supplemental budget para sa PhilHealth, kasama na ang dagdag na alokasyon para sa mga ospital, ay susi sa pagpapatupad ng zero balance billing sa mga pampublikong ospital, na isa sa mga binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang SONA.

Giit pa ng senador, ang sapat na pondo para sa PhilHealth ay makatutulong upang mabawasan ang gastusing medikal ng mga mahihirap, mga senior citizen, at iba pang kabilang sa vulnerable sectors.

About The Author