![]()
Ibinunyag ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon sa House Committee on Justice ang paglaki ng yaman ni Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni Ridon ang pagbabahagi ng impormasyon habang nasa kainitan ang debate hinggil sa “unexplained wealth” ng Bise na bahagi ng impeachable offense.
Mula 2008 hanggang 2024, tumaas ng P70-M o 378% ang yaman ni VP Sara base sa SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth nito.
Ayon sa chairman ng House Public Accounts, ang 2008 SALN ni Sara ay 18,493,617 pesos, at bahagya pang bumaba ito noong 2009 sa 18,000,281 pesos.
Pagsapit ng 2023, ang declared SALN ni VP Sara ay umabot na sa 77,508,841 pesos. Lumobo pa ito sa 88,512,370.22 pagsapit ng 2024.
Sa record, mayor ng Davao City noong 2008 si Sara Duterte, habang vice president na ito noong 2022.
