Posibleng lumago ang ekonomiya ng Pilipinas, pasok sa 6-7% target ngayong taon, subalit maari itong bumaba sa targets na itinakda para sa 2025 at 2026.
Ito, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay bunsod ng negative impact sa nakalipas na rate hikes.
Sa August Monetary Policy Report, sinabi ng BSP na posibleng maitala ang Gross Domestic Product (GDP) growth ng mas mababa sa 6.5% hanggang 7.5% sa 2025 at 6.5% hanggang 8% target sa 2026.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority, lumago ng 6.3% ang ekonomiya sa ikalawang quarter, na mas mabilis kumpara sa 5.8% growth noong unang quarter. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera