Inaasahan na mananatili sa 5.9% ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon.
Mas mabagal ito kumpara sa 6.2% na pagtaya noong July, ngunit pinakamabilis naman sa lahat ng bansa sa Southeast Asia.
Paliwanag ni ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO) Principal Economist Runchana Pongsaparn, ang nasabing projection ay dahil sa matinding epekto ng mahinang external demand.
Subalit, binigyang-diin nito na posible pa ring lumago ang economic growth ng bansa sa 6.5% sa 2024 sakaling makarekober na ang malakas na demand ng mga bilihin at serbisyo sa pandaigdigang merkado.
Samantala, patuloy na umaasa ang economic managers administrasyong Marcos na ma-aabot ng bansa ang 6% hanggang 7% growth rate. –sa panulat ni Airiam Sancho