![]()
Kumbinsido si Vice President Sara Duterte na ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2025 National Budget ay maituturing na isang impeachable offense.
Ipinaliwanag ng Bise Presidente na nagmula ang batas sa panukalang puno ng blangko at may mga insertions.
Tinukoy ni VP Sara ang naging kontrobersiya noong December 2024 kaugnay sa mga blangkong bahagi ng 2025 proposed budget na ipinasa ng Kongreso.
Inuugnay din niya ang Pangulo sa mga insertion para sa flood control projects.
Sinabi pa ng Pangalawang Pangulo na impeachable offense din ang kwestyonableng kakayahang mamuno ng Pangulo bukod pa sa alegasyong gumagamit siya ng droga.
