Hindi matutuloy ang nakatakdang paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa proposed ₱6.352-T 2025 national budget sa araw ng Biyernes, Dec. 20.
Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, ito ay upang bigyang-daan ang mas malalim pang pagbusisi sa budget bill na itong magiging batayan ng direksyon ng bansa sa susunod na taon.
Sinabi ni Bersamin na nagpapatuloy ang assessment ng Pangulo kaakibat ng konsultasyon sa mga pinuno ng major departments.
Kinumpirma rin ng Palasyo na may ive-veto na ilang items at probisyon sa national budget para sa interes ng publiko, upang mai-angkop ito sa fiscal program at sa mga batas.
Sa ngayon ay wala pa umanong bagong kumpirmadong petsa ng paglagda sa 2025 budget. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News