dzme1530.ph

Paglaganap ng magic sugar, dapat nang pigilan —SRA

Dapat mapigilan ang paglaganap ng artificial o magic sugar sa merkado upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga consumer.

Ipinaliwanag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Pablo Luis Azcona, na ang magic sugar na kilala rin bilang aspartame, ay isang chemical compound sweetener na karaniwang ginagamit sa mga inumin, na maaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

Kadalasan aniya itong ginagamit ng mga negosyante dahil mas mura.

Sa Commonwealth Market sa Quezon City, mabibili ang magic sugar sa halagang P35 per pack habang ang presyo ng puting asukal ay nasa pagitan ng P80 hanggang P95 per kilo.

About The Author