dzme1530.ph

Pagkukumpuni sa nasirang PNR bridge sa Albay, nakakasa na —DOTR

Loading

Ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTR) ang agarang assessment sa Philippine National Railway (PNR) bridge sa Albay na nasira ng Typhoon Uwan.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang pagkukumpuni nito.

Ayon sa DOTR, nasira ang tulay na nagdurugtong sa San Rafael at Maipon sa Guinobatan, Albay nang humagupit ang Bagyong Uwan kahapon.

Sinabi ni Acting Transportation Sec. Giovanni Lopez na naka-standby ang mga PNR engineers at handang magsagawa ng inspeksyon sa sandaling bumuti ang panahon.

Dahil sa tinamong pinsala, pansamantalang suspendido ang PNR operations para sa rutang Naga-Legazpi, na makaaapekto sa humigit-kumulang apat na libong pasahero kada araw.

Inihayag ni Lopez na para matulungan ang mga commuter, inatasan ng DOTR ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mag-deploy ng karagdagang public utility vehicles sa lugar.

Nakakasa ring magsagawa ang PNR ng komprehensibong inspeksyon sa buong ruta ng Bicol Commuter Train upang masiguro na wala nang iba pang istruktura ng tren na nakompromiso.

About The Author