May kabuuang 39 na police station sa Cebu ang nagtamo ng minor structural damage matapos yanigin ng magnitude 6.9 na lindol at higit 7,000 aftershocks.
Ayon kay PRO 7 Director Brigadier General Redrico Maranan, kasalukuyan nang kinukumpuni ang mga gusali habang nagpapatuloy ang serbisyo ng mga pulis sa mga residente.
Kabilang sa mga nasira ay ilang istasyon na nagkaroon ng bitak sa pader at sahig.
Wala namang nasawi mula sa hanay ng PNP, ngunit aabot sa 193 pamilya ng mga pulis ang pansamantalang inilikas matapos maapektuhan ang kanilang mga tahanan.
Patuloy din ang augmentation ng PRO 7 at iba pang yunit sa rehabilitation at relief operations sa mga lugar na sinalanta ng lindol.