dzme1530.ph

Pagkukumpuni sa floodgate sa Navotas, inaasahang matatapos sa susunod na linggo

Loading

Target matapos ang pagkukumpuni sa nasirang Tangos-Tanza o Malabon-Navotas Navigational Gate sa Agosto 8, ayon kay Public Works Secretary Manuel Bonoan.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang restoration ng floodgate at pagtatayo ng retaining wall nang mag-inspeksyon ang punong ehekutibo sa Navotas City noong Sabado.

Sinabi ni Bonoan na ni-repair na nila ang gate noong 2024 matapos itong mabangga at naging operational muli, subalit muli itong nasira kaya’t inaayos na naman nila.

Dapat aniya ay natapos na nila ito noong Hulyo 20, subalit naabutan sila ng malalakas na pag-ulan.

Idinagdag ng kalihim na pinabibilisan ng Pangulo ang pagpapagawa ng additional protection works malapit sa Manila Bay upang hindi na pumasok ang high tide sa lungsod.

Tiniyak din ni Bonoan na magpapatuloy ang pagkukumpuni sa navigational gate, na isang mahalagang pangharang sa baha lalo na tuwing high tide, sa kabila ng masamang panahon.

About The Author