dzme1530.ph

Pagkuha ng serbisyo ng ilang state educational institution, scientists, iminungkahi ng Agri Party List

Iminungkahi ni Agri Party Rep. Wilbert Lee sa gobyerno na i-tap ang serbisyo ng ilang state educational institutions at scientists para tumuklas ng binhi na pwede sa mainit at maulang panahon.

Ngayong nahaharap umano sa El Nino phenomenon ang bansa, nais nitong kunin ang serbisyo ng kagaya ng University of the Philippines (UP) para magsaliksik ng tamang pananim na uubra sa extreme weather conditions.

Sa ngayon, meron na umanong binhi mula sa ibang bansa ang pwede sa extreme weather conditions, subalit mas maganda kung makakatuklas ng akma sa kondisyon ng panahon sa Pilipinas.

Tinukoy ni Lee bilang magandang panimula ang $14.95-M Agricultural Genomics Agreement sa pagitan ng UP at Korea International Cooperation Agency (KOICA), para sa “Capacity-Building for Higher Education” at pagtatag ng Agricultural Genomics Research Center sa UPLB.

Layunin ng kasunduan na paangatin ang agricultural competitiveness ng bansa sa paraan ng science and technology adaptation. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author