Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagdaragdag ng isandaan at pitumpu’t walong Public Attorneys.
Nilikha ang isandaan at dalawampu’t dalawang bagong Public Attorney I at limampu’t anim na Public Attorney II positions sa Public Attorney’s Office sa ilalim ng Department of Justice.
Ayon sa DBM, ang mga karagdagang posisyon ay mangangailangan ng pondong 336 million pesos kada taon.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ito ay magpapalakas sa PAO sa pagbibigay ng Legal Services sa publiko, tungo sa pagtitiyak na ang bawat Pilipino ay magkakaroon ng access sa hustisya at Representasyon sa korte anuman ang estado ng kanilang pamumuhay.
Ito ay nakalinya rin sa adhikain ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyaking walang Pilipino ang maiiwan.