![]()
Isinusulong ni House Majority Floor Leader Sandro Marcos ang HB No. 8701 para gawing libre ang pagkuha ng academic records sa mga fresh graduates.
Ang “Academic and Labor Pathways Assistance for Students” o ALPAS Act ay itinatakda na sa loob ng 12 buwan matapos ang graduation ay libre ang lahat ng school records kagaya ng transcript of record, certificate of graduation, diploma maging ang certified true copies.
Ayon kay Marcos, sa maraming nagtapos sa kolehiyo nananatiling mahirap ang pag-a-apply sa trabaho dahil sa pagkumpleto pa lamang ng documentary requirements sa job application na may malaking gastusin na.
Kung ganap na maging batas ang HB No. 8701, lahat ng private at public education institutions ay magkakaroon ng digital academic records system para sa mabilis na request at pagkuha ng dokumento online.