dzme1530.ph

Pagkontra sa Automated Election System, hindi mapapawalang bisa ng ruling ng SC.

Nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi maka-aapekto sa 2025 Midterm Elections ang Ruling ng Korte Suprema na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang poll body.

Ito ay nang I-disqualify ang Election Technology provider na Smartmatic Philippines sa paglahok sa lahat ng Public bidding at Procurement processes na may kinalaman sa halalan.

Sa panayam ng DZME kinse trenta ang radyo uno, ipinaliwanag ni comelec spokesperson, Attorney John Rex Laudiangco na sa kaparehong desisyon, nilinaw ng Supreme Court na hindi mapapawalang bisa ang public bidding at ang paggawad ng kontrata ng Automated Election System sa South Korean firm na Miru systems.

Nilinaw din aniya sa pahayag ng kataas-taasang hukuman na hindi ito naglabas ng temporary restraining order laban sa nanalong bidder.

Ipinaliwanag pa ni Laudiangco na ang Grave Abuse of Discretion ay hindi nangyari sa public bidding.

About The Author