dzme1530.ph

Pagkilala sa mga dating opisyal ng Presidential Adviser for Peace Reconciliation, ibinida ni Sec. Galvez

Kinilala ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang naging papel ng lahat ng Pangulo ng Pilipinas, gayundin ang mga dati at kasalukuyang opisyal at kawani ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa tagumpay ng prosesong pangkapayapaan.

Ayon sa kalihim, sa nakalipas na 30 taon, nanguna ang tanggapan na magkaroon ng pang-unawa at pagkakaisa ang bawat Pilipino para sa kapayapaan.

Dahil aniya sa pagsisikap ng OPAPRU, libu-libong dating combatant, rebelde at extremist sa buong bansa ang namumuhay na ng normal, tahimik at “law-abiding citizens.”

Bukod ditto, isinulong din aniya ng ahensya ang mga prinsipyo ng mahusay na pamamahala, accountability, at hustisya sa mga local government unit, national government agency, institusyon at security sector sa pagtugon sa mga pangunahing ugat ng armadong pakikibaka. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author