Isinabatas na ang pagkilala sa Baler, Aurora bilang “Birthplace of Philippine Surfing”.
Ito ay makaraang mag-lapse into law ang Republic Act No. 1-1-9-5-7 na bigong mapirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., 30 araw matapos itong maisumite sa kanyang tanggapan.
Sa ilalim ng batas, kinilala ang Baler sa pagiging isa sa mga pangunahing surfing sites sa bansa, at nagkaroon na rin umano ito ng bahagi sa kasaysayan.
Ito ay alinsunod din sa pagpapahalaga ng gobyerno sa turismo bilang tagapagsulong ng ekonomiya.
Magiging epektibo ang batas 15 araw matapos itong mailabas sa official gazette o sa mga pahayagan. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News