dzme1530.ph

Pagkasawi ng 4 sundalo sa ambush sa Maguindanao, mariing kinondena ng Pangulo

Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkasawi ng apat na sundalo sa pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng Dawlah Islamiyah Group sa Maguindanao del Sur kahapon araw ng linggo.

Sa post sa kanyang X account, inihayag ng Pangulo na ang insidente ang lalong magpapalakas sa kampanya ng gobyerno sa pagsugpo sa terorismo sa rehiyon at sa buong bansa.

Tiniyak din ni Marcos na mabibigyan ng hustisya sa ilalim ng kanyang administrasyon ang mga nasawing sundalo.

Ipinag-utos na rin nito ang agarang pagpapaabot ng benepisyo at tulong sa pamilya ng mga biktima.

Umaasa ang pangulo na ang trahedya ang magbibigay-daan sa pagkakaisa para sa mas ligtas, matatag, at insurgency-free na bansa.

About The Author