Answered prayer para kay Vhong Navarro ang iginawad na hatol ng Taguig court sa businessman na si Cedric Lee, model na si Deniece Cornejo, at dalawang iba pa.
Matapos ang isang dekadang paghahanap ng katarungan, nakamtan ito ni Vhong, makaraang patawan ng korte ng guilty sa kasong illegal detention ang grupo nina Cedric at Deniece at sentensyahan ang mga ito na mabilanggo ng hanggang 40 years.
Sa episode ng It’s Showtime kahapon, pinasalamatan ng TV host-actor ang mga tao at grupo na naniwala at nanindigan para sa kaniya sa kabila ng kaniyang mga pinagdaanan.
Bago matapos ang kaniyang speech ay nangako si Vhong sa kaniyang misis na si Tanya na babawi ito sa dami ng kaniyang mga pagkukulang.
March 2023 nang ibasura ng Supreme court ang mga kasong Rape at Acts of Lasciviousness na isinampa ni Deniece laban kay Vhong bunsod ng kawalan ng probable cause.