Pinagtibay ng COMELEC ang desisyon nito na kanselahin ang registration ng An Waray Party-List dahil sa kabiguang tumalima sa Election Rules and Regulations noong 2013.
Inilabas ng COMELEC En Banc ang ruling bilang tugon sa mosyon na inihain ng An Waray na humihiling na baliktarin ng poll body ang nauna nitong desisyon.
Noong June 2 ay kinansela ng COMELEC 2nd Division ang registration ng grupo bunsod ng pag-upo ng kanilang second nominee noon na si Victoria Isabel Noel, bilang isa sa kanilang kinatawan sa Kamara noong 16th Congress, gayung batid nilang wala pang inilalabas na Certificate of Proclamation ang poll body.
Ipinaliwanag ng COMELEC na pinayagan lamang ang An Waray para sa isang seat sa Kamara matapos ang recomputation ng mga boto, kaya walang legal na basehan para maupo si Noel sa pwesto. –sa panulat ni Lea Soriano