dzme1530.ph

Pagkamatay ng Viva Max artist, patuloy na iniimbestigahan ng PNP; biktima, hindi namatay sa bugbog

Loading

Patuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police sa tunay na sanhi ng pagpanaw ng Viva Max artist na si Gina Lima, na natagpuang walang malay noong November 16 sa isang condominium sa Quezon City.

Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni QCPD–Criminal Investigation and Detection Unit Chief, Lt. Col. Edison Ouano, na hinihintay pa nila ang toxicology results mula sa forensic team upang matukoy ang eksaktong dahilan ng pagkamatay ng artist.

Nabatid na base sa mga nakalap na ebidensya, may mga tableta at marijuana (kush) na nakita sa unit kung saan natagpuan ang biktima.

Ayon pa sa opisyal, batay sa initial medical at legal findings, si Lima ay nakitaan ng congested heart at congested lungs, habang ang mga pasa sa kanyang hita ay itinuturing na non-fatal o hindi nagdulot ng kanyang pagpanaw.

Sa ngayon, hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng toxicology at histopathology tests upang tuluyang matukoy ang sanhi ng pagkamatay.

Samantala, kinumpirma ng QCPD na ang testigo at dating kasintahan ng biktima na si Ivan Ronquillo ay binawian ng buhay kaninang umaga. Naisugod pa ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa pulisya, hindi ito sumailalim sa drug test dahil hindi naman ito naaresto.

About The Author