dzme1530.ph

Pagkamatay ng guardya sa isa umanong aksidente, nakitaan ng foul play ng pamilya

Nananawagan ang pamilyang naiwan ng guardya na si Lito Paborian matapos makitaan ng duda ang pagkamatay nito sa Sitio Siwang Taytay Rizal kamakailan.

Ayon sa asawa ng biktima nasi Milet Paborian, nakitang nakahandusay ang mister nito matapos makabangaan ang isang bisikleta.

Aniya, hindi sya makapaniwala sa pangyayari dahil bagamat bagsak ang motor nito ay walang nakitang gasgas o pagkayupi dito.

Kahina-hinala rin aniya, ang tama ng mister nito sa ulo na tila pinalo ng matigas na bagay dahilan ng pagkamatay nito.

Hindi rin umano nasaktan ang siklistang nakabangaan nito, kaya laking palaisapan sa kanya ang pagkamatay ng mister nito.

Paniwala ng ginang, sinadyang patayin ang kanyang mister dahil sa tama nito sa ulo at nakadapa ito ng makita nila sa insidenteng pinangyarihan.

Nagtaka rin ang ginang kung bakit sinunog ang dugo ng kanyang mister imbes na buhusan ito ng tubig para linisin.

Kaya nanawagan ang misis ng biktima sa mga otoridad na imbestigan mabuti ang pagkamatay ng kanyang mister lalo’t ito lamang ang bumubuhay sa kanilang pamilya. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author