dzme1530.ph

Pagkamatay ng district engineer sa Sorsogon, walang kinalaman sa isyu ng anomalya

Loading

Nagpahayag ng pagdadalamhati ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpanaw ng kanilang kawani na si Engr. Larry Reyes, na nagsilbing Chairman ng Bids and Awards Committee (BAC) ng DPWH – Sorsogon 1st District Engineering Office.

Sa gitna ng mga kumakalat na espekulasyon at hindi beripikadong ulat sa social media, humiling ang pamilya ni Reyes sa publiko na igalang ang kanilang pribadong pagdadalamhati.

Nilinaw ng DPWH na ito ay isang pribado at personal na usapin at wala itong kinalaman sa anumang isyu ng ahensya.

Nanawagan din ang DPWH sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng hindi kumpirmadong impormasyon at igalang ang kahilingan ng pamilya para sa privacy.

Tiniyak ng ahensya na patuloy silang nakatuon sa pagbibigay-suporta sa pamilya at mga kasamahan ni Engr. Reyes sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.

About The Author