Ipinag-utos ni Sen. Robin Padilla ang pagsisiyasat sa ulat na isang staff niya ang nahuli umanong humihithit ng marijuana sa isa sa mga comfort room sa Senado.
Ayon kay Atty. Rudolf Philip Jurado, chief of staff ni Padilla, pinagsusumite na ng staff ang written explanation, at inaasahang maibibigay ito ngayong araw.
Sa utos ni Padilla, nakipagpulong siya kay Senate Sgt. at Arms Retired Major General Mao Aplasca upang makakuha ng incident report at malaman ang katotohanan.
Wala pa umano siyang natatanggap na report dahil ongoing pa ang pagsisiyasat.
Ayon kay Aplasca, patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon at kapag natapos, magsusumite sila ng report kay Senate President Chiz Escudero.
Samantala, nagpapatuloy ang random drug testing sa mga empleyado at staff ng Senado.