dzme1530.ph

Pagkakahalal kay US President Donald Trump, inaasahang makabubuti rin sa bansa

Buo ang pagasa ni Senate President Francis Escudero na makabubuti sa bansa ang muling pagkakahalal kay US President Donald Trump.

Ayon kay Escudero, bagama’t hindi niya masasabi kung ano ang gagawin at hindi gagawin ni Trump, umaasa siyang mananatili ang maayos na relasyon ng ating bansa sa US sa ilalim ng pamumuno nito.

Naniniwala ang senate leader na may benepisyo rin sa Pilipinas ang muling panunungkulan ni Trump.

Umaasa rin si Sen. Robin Padilla na makikinabang ang Pilipinas sa pag-upo ni Trump.

Nagpaabot din ng papuri si Padilla sa mapayapang proseso ng pagpili ng lider ng Estados Unidos kasabay ng pagbati kay Trump sa tagumpay sa halalan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author