dzme1530.ph

Pagkaka-aresto kay dating Cong. Arnie Teves, ikinalugod ni Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo

Ikinalugod ni Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo ang pagkaka-aresto kay dating Cong. Arnolfo Teves Jr. na umano’y mastermind sa pagpaslang sa asawa nito na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Nabatid na nahuli ng mga otoridad si Teves, habang naglalaro ng golf sa Dili, Timor-Leste, kahapon.

Sa panayam ng DZME 1530 -Radyo Uno, sinabi ni Mayor Janice Degamo na makikipagkita siya sa Dept. of Justice para talakayin ang mga susunod na hakbang.

“represented naman po kami ng aming private prosecutor… although expected po na mapapauwi siya at mapapanagot siya… siguro ito na rin yung time na harapin na talaga niya yung ginawa niya sa mga loved ones namin… there were 9 who died with Roel… and meron yung mga frustrated and attempted murder… mga halos thirty almost…”

Naniniwala rin si Mayor Janice na mapapanagot si Teves, sa kabila ng pagbawi ng mga testimonya ng mga suspek sa kaso.

“parang hindi naman din siya talagang sabihin natin [na] hindi naman siya kawalan dahil…yung kanilang…the very recantation na ginawa nila can still be used against them… inexplain po ng lawyer na minsan sa mga ganiyang kaso talaga nangyayari yung mga ganiyan… lalo na kapag may mga outside intervention ng mga tao na pinapunta, na pinakausap [ganiyan]… but we are… we have faith po na talagang mapapanindigan at mapapanagot po siya…”

Umaasa naman ang Alkalde na magiging patas ang proseso o pagdinig sa East Timor sa kaso ng dating kongresista.

 

“but let’s give East Timor a chance… they’re applying for ASEAN ‘di po ba… dapat i-prove din nila na they are reliable partners and friends of other countries… kasi ‘pag nangyari sa kanila yung nangyari sa amin… at the criminal will run to the Philippines… they can expect naman for Philippine cooperation po [ganon]… so sana po… kasi yung… hindi naman nila… diba nag-apply ng asylum… pero hindi naman nila ginrant… kaya naman nag-appeal siya… so i’m still hopeful po…” –Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo

About The Author