Ang pagkain ng paa ng manok ay mabisa bilang panlaban sa pangungulubot ng balat at pagkakaroon ng rayuma dahil sagana ito sa collagen.
Maliban diyan, nakatutulong din ito para mabawasan ang stress.
Ito ay dahil siksik sa ilang mga amino acid ang chicken feet na maganda sa ating katawan.
Ang arginine ay isa sa mga naturang amino acid na makukuha sa pagkain nito.
Kilala itong may anti-stress properties na nakatutulong para labanan din ang anxiety o pagkabalisa. —sa panulat ni Airiam Sancho