Iligal na inaresto ng Immigration authorites si expelled Congressman Arnolfo ‘Arnie’ Teves sa kaniyang tirahan sa Dili, Timor Leste, 7:00p.m. nitong Martes, oras sa Pilipinas.
Ito ang ibinunyag ng kaniyang anak na si Axl Teves sa kaniyang social media post.
Ayon kay Axl, pwersahang dinakip ang kaniyang ama, at wala umanong ipinakitang warrant of arrest o kahit anong dokumento ang mga otoridad bago isagawa ang pag-aresto.
Sa ngayon, nasa ilalim ng kustodiya ng Timor-Leste Immigration Police si Teves.
Si Teves ang itinuturong utak sa pagpaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong March 4, 2023 at kasalukuyang humihingi ng political asylum sa Timor-Leste.