dzme1530.ph

Pagiging sui generis o unique ng Senate impeachment court, kinontra

Loading

Kinontra ni incoming Senator Vicente “Tito” Sotto III ang paninindigan ni Senate President Francis Escudero kaugnay sa pagiging “sui generis” o unique ng senate impeachment court.

Iginiit ni Sotto na hindi maaaring gawin ng impeachment court ang lahat ng nais nito nang hindi nakabatay sa impeachment rules.

Sinabi ni Sotto na kung may gustong gawin ang Senate impeachment court ay dapat baguhin o ilagay ito sa impeachment rules.

At kung sakaling masasagasaan naman ang konstitusyon ng anumang hakbang ng impeachment court, kailangan naman aniyang mag-Constituent Assembly para amiyendahan ang Saligang Batas.

Iginiit din ni Sotto na hindi dapat pinapayagan na magmosyon ang impeachment court dahil ang pagmomosyon ay dapat manggagaling sa prosekusyon at sa dipensa.

Maging si incoming Sen. Ping Lacson ay ipinunto na lahat ng mga abogado ay batid na walang salitang remand sa Konstitusyon.

Posibleng mapasailalim sa judicial review ng Korte Suprema ang ginawang mosyon ng senate impeachment court kung may “grave abuse of discretion” na nangyari.

About The Author