dzme1530.ph

Pagiging epektibo ng kampanya ng gobyerno kontra El Niño, pinasisilip sa Senado

Nais ni Senador Robin Padilla na busisiin kung epektibo ang information at awareness campaign ng pamahalaan tungkol sa epekto ng El Niño sa bansa.

Sa kaniyang Senate Resolution 987, nais ni Padilla na silipin ng Senate Committee on Public Information and Mass Media ang information campaign ng gobyerno para sa paghahanda sa epekto ng El Niño.

Iginiit ni Padilla na dapat ay alam ng mga Pilipino ang mga up-to-date at mga kailangang paghahanda at pagtugon ng national at lokal na pamahalaan ngayong humaharap ang bansa sa mapanganib na lebel ng heat index na dulot pa rin ng El Niño phenomenon.

Idinagdag pa ng senador na importante ang awareness campaign upang matiyak na ang publiko ay “well-equipped” at may sapat na kaalaman para matulungan na maibsan ang adverse effect ng ganitong extreme weather condition.

Tinukoy ni Padilla ang datos mula sa PAGASA na 37 lugar na sa bansa ang nakakaranas ng matinding tagtuyot at nasa tatlong libong mga magsasaka at mangingisda sa Negros Occidental ang apektado ng El Niño.

About The Author