dzme1530.ph

Pagiging designated survivor ni VP Sara, ‘di dapat bigyan ng malalim na kahulugan —SP Escudero

Naniniwala si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na hindi na dapat bigyan ng malalim na kahulugan ang nagging sinabing rason ni Vice Pres Sara Duterte sa balak na hindi pagdalo sa State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sa July 22.

May kinalaman ito sa pahayag ni VP Sara na itinatalaga niya ang kanyang sarili bilang designated survivor.

Ayon kay Escudero, posibleng ginawa lang ng Bise Presidente na magaan o hindi seryoso ang kanyang excuse sa pamamagitan ng paggamit sa isang series sa Netflix.

Sa serye, ang “designated survivor” ay isang US government official na piniling manatili sa isang ligtas na lugar sa panahong nagkakatipon-tipon sa isang event ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Sa ganitong paraan ay matiyak na maipagpapatuloy ang pamamahala sa gobyerno sakaling madisgrasya ang mga top officials na nasa isang pagtitipon.

Pero para kay Escudero hindi dapat bigyan ng malalim na kahulugan ang pagtawag ni VP Sara sa sarili bilang designated survivor.

Naniniwala ang senate leader na ayaw ni VP Sara na dumalo sa ikatlong sona ng pangulo at ginawa na lang nyang hindi seryoso ang dahilan bakit di siya dadalo.

About The Author