dzme1530.ph

Pagiging dependent ng bansa sa foreign suppliers ng military equipment, inaasahang mababawasan na

Tiwala si Sen. Juan Miguel Zubiri na lalakas pa ang defense capability ng bansa at mababawasan na ang pagdepende natin sa mga foreign suppliers para sa mga kagamitang kailangan sa pagdipensa.

Ito anya ay makaraang lagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act (SRDP) Act na kanyang pangunahing iniakda.

Ayon kay Zubiri, malaking tulong ang batas na ito sa defense forces at sa ekonomiya ng bansa dahil magiging pundasyon ito ng malakas at self-reliant defense industry

Sa pamamagitan anya ng SRDP law, makakapagsimula na ang Pilipinas na mag-manufacture ng sariling defense equipment sa halip na bumili sa ibang bansa

Itinuturing anya itong game changer dahil mula sa pagiging dependent sa foreign suppliers magiging producer na tayo sa global defense arena.

Binigyang-diin pa ni Zubiri na mahalaga na makapagtatag ang bansa ng self-reliant defense system lalo na harap ng potential geopolitical challenges na maaaring makadiskaril sa supply ng military equipment.

Sa ceremonial signing ng batas, pinuri ni Pangulong Marcos si Zubiri sa pangunguna sa pagsusulong ng batas.  —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author