dzme1530.ph

Paghikayat ng foreign investments, naging mas madali dahil sa OFWs

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil sa kanilang tulong para mapadali ang paghikayat ng foreign investors sa Pilipinas.

Sa pakiki-salamuha sa Filipino community sa Berlin Germany, pinuri ng pangulo ang mga OFW na sila umanong nagsisilbing parang envoys o ambassadors ng kultura ng bansa.

Saanman umano sila magpunta ay kanilang ipinapakita ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pamilya, pananampalataya, katapatan, pagsusumikap, pagmamalasakit, at paninindigan.

Ang presensya umano ng OFWs ang nagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas hindi lamang sa Germany pati na rin sa iba’t ibang bansa na kanilang pinagta-trabahuhan.

Dahil dito sinabi ni Marcos na hindi na nila gaanong kailangang magpaliwanag sa investors dahil mayroon na silang karanasan sa husay ng mga Pilipino.

About The Author