![]()
Tiwala si Sen. Loren Legarda na sa pamamagitan ng deklarasyon ng state of national calamity ay magiging mabilis ang paghahatid ng tulong sa mga sinalanta, pagkukumpuni ng nasirang imprastraktura, at rehabilitasyon sa mga napinsalang komunidad.
Sinabi ni Legarda na nasa kapangyarihan ng ehekutibo ang pagdedeklara ng state of calamity alinsunod sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act.
Kasabay nito, binigyang-diin ng senador na ilang dekada na niyang iginigiit na maiiwasan ang anumang disaster kung babawasan at tutugunan ang kahinaan at kakulangan sa kahandaan.
Mahalaga anya na maisaayos ang ecosystem at mapalakas ang lokal na resilience.
Alam naman aniya ng lahat ang dapat gawin, tulad ng ganap na pagpapatupad ng environmental at climate resilience laws, at dapat mag-invest sa nature-based solutions tulad ng pag-restore at pagprotekta sa mga kagubatan, mangroves, wetlands, at watersheds.
Kailangan din aniya ang istriktong pagpapatupad ng no-build zone at pag-regulate sa quarrying at development sa high-risk at geohazard areas.
Iginiit pa ni Legarda na dapat palakasin ang early warning system at pre-emptive evacuation.
