Plano ni Sen. Sherwin Gatchalian na irekomenda ang paglalaan ng pondo para sa paghahanda ng Pilipinas sa 2025 Programme for International Student Assessment (PISA).
Layun nito na mapaganda ang scores ng mga 15-anyos na mga estudyante sa PISA.
Sinabi ni Gatchalian na sa budget season, posibleng isulong niya ang paglalagay ng probisyon para sa paghahanda sa PISA matapos matuklasan na isa sa best practices ng mga bansang may magandang ranking sa assessment ay ang matindi nilang preparasyon.
Kabilang sa isusulong na preparasyon, ang pagbuo ng mga materyales na gagamitin ng mga public school teachers at learners.
Una na ring idinetalye ng DepEd-Cordillera Administrative Region na kailangan sa paghahanda ng mga learner sa assessment ang mga computer.
Dahil sa kakapusan ng computer ng mga paaralan, hiniling din nila ang tulong ng mga lokal na pamahalaan.
Ang DepEd-CAR ang isa sa top three regions na may maraming learners na nakaabot ng minimum level of proficiency sa reading, science, at math.
Ang dalawa pang rehiyon ay ang National Capital Region at Region 4A.