![]()
Iginiit ni Sen. Loren Legarda na dapat maging pang-araw-araw na gawi ng bawat Pilipino ang kahandaan sa kalamidad, kasunod ng 6.9-magnitude na lindol sa Cebu.
Ayon kay Legarda, bawat buhay na nasasayang ay paalala na kailangang mamuhunan sa kaligtasan at kumilos agad, lalo na para sa mga pinaka-bulnerable.
Binalaan nito ang mga apektadong komunidad na manatiling mapagmatyag sa aftershocks at nanawagan para sa mas mahigpit na earthquake preparedness, building inspections, retrofitting at disaster protocols.
Dagdag pa ng senadora, hindi dapat makuntento sa simpleng compliance. Dapat tiyakin aniya na ang bawat patakaran ay maisasalin sa kongkretong aksyon at bawat isa ay may pananagutan sa sariling kaligtasan at ng kanilang pamilya.
