dzme1530.ph

Paghahanda ng Senado para sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes, naapektuhan ng pagbaha dahil sa ulan

Loading

Apektado ng pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha ang paghahanda ng Senado para sa pagbubukas ng First Regular Session ng 20th Congress sa Lunes.

Ito ay makaraang hindi nakapasok sa Senado ngayong araw ang ilang pinuno at empleyado ng mga tanggapang nangangasiwa sa preparasyon sa pagbubukas ng sesyon.

Pangunahing dahilan nito ay ang mataas na pagbaha sa paligid ng Senado kaya’t malalaking sasakyan lamang ang nakadaan sa kahabaan ng Diokno Boulevard sa harapan ng Senate Compound.

Sinabi ni Senate Secretary Renato Bantug na posibleng via Zoom na lamang muna isagawa ang kanilang pag-uusap para sa paghahanda sa pagbubukas ng sesyon at sa SONA.

Posible rin aniya na hanggang weekend ay magtrabaho sila upang matiyak ang maayos na pagbubukas ng sesyon sa Lunes.

Una nang ipinag-utos ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang partial suspension ng trabaho sa Senado at inobligahang pumasok ang mga empleyadong sangkot sa paghahanda sa pagbubukas ng sesyon.

About The Author