Agad maglulunsad ng search operations para sa nawawalang Filipino seafarer sa sandaling ligtas na makadaong ang MV Tutor na inatake ng Houthi rebels.
Pahayag ito ng Department of Migrant Workers matapos iulat ng White House na isang Pinoy sailor ang nasawi sa pag-atake ng mga rebelde sa cargo carrier noong nakaraang Miyerkules sa bahagi ng Southern Red Sea at Gulf of Aden.
Hindi kinumpirma subalit hindi rin itinanggi ng DMW ang ulat ng White House, sa pagsasabing, sa ngayon, ay naka-depende sila sa impormasyong ibinahagi ng Philippine Embassy sa Athens.
Ayon sa DMW, nakipagpulong si Ambassador Giovanni Palec sa pamunuan ng MV Tutor para sa isasagawang search operations.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa pamilya ng nawawalang Pinoy seafarer, at umaasa sila sa positibong resulta.