Posibleng simulan ng mga otoridad ngayong linggo ang paggalugad sa Taal Lake sa Batangas para mahanap ang katawan ng mga nawawalang sabungero na dinukot at umano’y pinatay noong 2021 at 2022.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mayroong fishpond lease ang isa sa mga suspek at ito ang magsisilbing ground zero.
Humiling din ang pamahalaan ng Pilipinas ng technical assistance mula sa Japan para sa gagawing paggalugad sa lawa.
Ayon kay Remulla, wala pang tugon sa kanilang hiling dahil noong nakaraang lamang nila ito ipinadala.
Una nang ibinunyag ng isa sa mga akusado sa pagdukot sa mga nawawalang sabungero na si Julie “Dondon” Patidongan, na pinaslang ang mga biktima matapos silang dukutin at itinali sa sako ng buhangin ang kanilang mga bangkay saka itinapon sa lawa ng Taal.