Naghain ng leave of absence si Vice Admiral Alberto Carlos, commander ng AFP Western Command (WESCOM) sa personal na dahilan.
Agad namang itinanggi ni AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na may kaugnayan ang pagli-leave ni Carlos sa claim ng Chinese embassy na pumasok ang AFP WESCOM sa kasunduan sa China na tinawag na “new model” para sa pag-manage ng sitwasyon sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Binigyang diin ni Padilla na hindi related at coincidental o nagkataon lamang na nagkasabay ang isyu sa pagli-leave ni Carlos.
Hindi rin masabi ni Padilla kung hanggang kailan mawawala si Carlos, subalit si Commodore Alfonso Torres Jr. muna aniya ang pansamantalang magsisilbi bilang WESCOM chief.