Naging mapayapa sa kabila ng ikinasang mga pagkilos ng mga militanteng grupo kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ayon sa Philippine National Police.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, naging generally peaceful ang Araw ng mga Mangagawa at walang naitalagang untoward incident sa pangkahalatan.
Dagdag ni Fajardo, pinairal din ng mga pulis ang maximum tolerance sa mga idinaos na kilos protesta.
Nagself-disperse din umano ang mga militante partikular sa Region 4A habang sa Mendiola ay naging organisado din ang isinagawang martsa at demonstrasyon ng mga raliyista.
Matatandaang, nasa halos 60,000 na mga pulis ang ipinakalat ng PNP sa Labor Day sa buong bansa na nakatutok sa freedom parks at iba pang lugar na pinagdarusan ng iba’t ibang pagkilos. —sa ulat ni Jay de Castro