dzme1530.ph

Paggising ng isang babae sa loob ng kabaong habang nakaburol, ikinagulat

Ikinagulat ng pamilya ng isang matandang babae ang paggising nito sa loob ng kaniyang kabaong habang nakaburol sa Equador.

Sa video na ipinost sa Twitter, makikita ang malakas na paghinga ng 66 anyos na si Bella Montoya sa isang bukas na kabaong.

Ayon kay Gilbert Balberan, anak ni Montoya, napansin niyang pinapalo ng kaniyang ina ang kabaong gamit ang kaliwang kamay nang magising ito.

Ibinahagi rin ni Balberan na inaayos niya ang donasyon para sa nasabing kabaong matapos ideklara ng Martin Icaza Public Hospital sa bayan ng Babahoyo ang pagkamatay ni Montoya noong nakaraang linggo.

Paliwanag niya, nakatanggap siya ng death certificate na katunayang pumanaw na ang kaniyang ina dahil umano sa stroke na nagresulta sa cardiorespiratory arrest.

Sa ngayon, sinabi ni Balberan na nasa maayos nang kalagayan ang kaniyang ina. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author