dzme1530.ph

Paggastos sa ₱150M DepEd confi at intel fund, palaisipan

Walang alam ang Department of Education kung paano ginastos ang confidential at intelligence funds noong taong 2023 na umabot sa 150-million pesos ang halaga.

Sa budget hearing ng DepEd, sinabi ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla na ginagamit nilang guide sa pagpapalabas ng confidential at intelligence fund ang Joint Circular sa cash advance.

Kada quarter ang pagre-release ng CIF sa tuwing magre-request umano si former DepEd Sec. at VP Sara Duterte.

Sa nagdaang tatlong quarter, umabot sa ₱112.5-M ang inilabas na budget base sa request ni Duterte.

Gayunman sa Q4 ng 2023 hindi na sila naglabas ng CIF dahil sa wala na rin namang request ang dating kalihim.

Inamin ni Sevilla na hindi nila batid kung saan ginamit ang pondo dahil hindi naman sila kasama sa proseso ng utilization at liquidation ng CIF.

Tanging cover letter umano ang isinumite ng dating kalihim sa pinaggamitan ng pera subalit walang nakaakibat na detalye. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author