Nabahala si Sen. Nancy Binay sa paggamit ng mental health bilang excuse upang iwasan ang congressional inquiries at investigations.
Binalaan ni Binay ang mga kumite na nagsasagawa ng imbestigasyon na mag-ingat sa pagtanggap sa mental health issues bilang excuse sa hindi pagdalo sa mga pagdinig.
Sinabi ni Binay na maaaring maging paraan ito upang pahinaan ang kapangyarihan ng Senado na magpatawag ng mga resource persons.
Iginiit ng senador na nakakahiya sa mga tunay na may mental health condition.
Ipinaalala ng mambabats na seryosong usapin ang mental health at hindi ito dapat na ginagamit na dahilan para magsinungaling.
Nangangamba si Binay na ang hindi pagdalo ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senado dahil sa kanyang mental health ay posibleng magamit bilang legal shield ng mga taong nais umiwas sa pagsisiyasat.
Mas makabubuti anyang magkaroon ng government psychologist at psychiatrist ang Senado na magba-validate ng medical reports o certifications na isusumite ng mga resource persons.