dzme1530.ph

Paggamit ng water cannon laban sa tropa ng pamahalaan, dapat isama sa mga batayan sa pagpapatupad ng RP-US Mutual Defense Treaty

Dapat gawin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng hakbangin upang pumanig sa Pilipinas ang sitwasyon kaugnay sa tensyon sa West Philippine Sea.

Ito ay ayon kay Senador Ronald dela Rosa na naggiit na dapat maisama na rin ang pambobomba ng tubig at pagamit ng laser laban sa tropa ng gobyerno sa mga listahan ng conventional threats upang magamit na ang RP-US Mutual Defense Treaty.

Sinabi ni dela Rosa na matindi rin ang epekto ng water cannon na kapag tumama sa isang tao ay posibleng magdulot ng pinsala sa katawan o ikamatay pa kapag natumba at tumama ang ulo sa bato.

Sinabi naman ni Foreign Affairs Assistant Secretary Jose Victor Chan Gonzaga na ang bagay na ito ay kailangang talakayin sa US counterparts.

Sinabi naman ni Senador Imee Marcos na hindi kinakailangang maging “overly legalistic” sa isyu.

Malinaw naman anya sa mga probisyon sa kasunduan na kapag nalagay sa panganib ang seguridad ng bansa at kaligtasan ng mga Pilipino ay maaari nang igiit ang Mutual Defense Treaty. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author