dzme1530.ph

Paggamit ng tubig-poso, ipinagbawal sa mga residente ng Oriental Mindoro

Pinagbabawalang gumamit ng tubig-poso ang mga residente ng Oriental Mindoro sa posibleng dala nitong banta sa kalusugan.

Ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, kasalukuyang nakasailalim sa state of calamity ang nasabing bayan dahil sa pinsalang idinulot ng oil spill mula sa lumubog na motor tanker sa bayan ng Pola, kahapon.

Ani Dolor, mananatili ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit sa tubig-poso bilang panligo at inuming tubig hangga’t wala pang resulta ang isinagawang pagsusuri sa mga tubig sa lugar.

Kaugnay nito, inatasan na ng gobernador ang lahat ng opisyal na magtulong-tulong sa pamamahagi ng malinis na inuming tubig sa mga residente.

Samantala, ayon kay PCG Western Visayas Chief of Staff Commander Jansen Benjamin kanila ring pinangangambahang umabot ang naturang oil spill sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

About The Author